All About Race Darwin

Race Darwin is the author of An Affair Bloomed After a Heartbreak; My Ex, My Pretend Wife; Last Night of Innocence; and Trapped in His Paradise of Red Room Books under RedLine Media Publishing, Inc. We asked him some questions to get to know him more. Here it goes…

 

What is the story behind your pen name?

  • Siguro `yong obsession ko sa sarili ko. Ayaw ko kasi mailayo `yong gagamitin kong pen name sa mismong pangalan ko. So, ginawa ko siyang Race Darwin. Naisip ko rin kasi, dapat may dala ding sensuwalidad sa pandinig `yong magiging pen name ko. O, di ba, para kahit mag-porn star na ako after, pak na pakk pa rin. Kidding! Hahaha!

 

When did you start writing?

  • 13? Kung `di ako nagkakamali, elementary pa lang kasi ako nagsusulat na ako ng mga kuwento sa likod ng notebook ko. Kung anong maisip ko isinisulat ko. Bata pa lang kasi ako, nagbabasa na ako ng mga books ni Martha Cecilia, Arielle, Maureen Apilado, Digna, Jorina Reyes, etc. Pero 16 ako nag-umpisa magsulat ng seryoso. That time, naisip ko gusto kong maging published writer. Nag-ambisyon pa ako noon na sumunod sa yapak ni Arielle, kahit impossible pa `yon. Haha!

 

Why did you choose erotica?

  • Dahil sa mga Mexican shows at Hollywood movies na napanood ko before. `Di ba kasi, minsan grabehan `yong love scene nila? `Yong mga kasabayan kong bata noon kapag nakakapanood, nagtatakip ng mata. Ako, hindi! Tinititigan ko talaga! Bwahaha! Minsan nga, inuulit ko pa. Seryoso! Isa pa sigurong dahilan kung bakit ko napili ang erotica ay dahil sa mga tabloid na may mga sex story. Haha! Sekreto lang `to, pero kapag may nakikita talaga akong dyaryo, iyong parte agad na `yon ang hinahanap ko. Haha! Alam ko, ang babaw ng mga dahilan kung bakit ko pinili ang erotica. Pero siguro, talagang nananalaytay na sa dugo ko itong kahalayan ko. Mukha lang talaga akong inosente kaya hindi halata!

 

Is there any inspiration behind your erotic novels?

  • Wala akong masabing inspirasyon ko sa mga erotic novels ko. Kasi kapag may isusulat akong story, natural lang siya. `Di ko pinipilit, kusa lang na lumalabas `yong mga eksena sa isip ko. Ganoon lang kasimple.

 

What’s your dream writing project?

  • A series with C.C., Scarlette Queen and Mandie Lee.

 

Which among your novels is your favorite? Why?

  • An Affair Bloomed After A Heartbreak. Siya `yong una kong story na naisip ko isulat. Hindi lang siya ganoon ka-perfect, pero doon ko kasi nakita kung gaano ako naghirap ma-achieve `yong dream ko.

 

Out of all the novels you’ve written, who’s your favorite character? Why?

  • Si Fabio Ajdani. Siya kasi `yong hero na nasa-satisfy niya ako habang isinusulat ko siya. `Yong hindi ako nakakaranas ng sakit ng ulo. He he.

 

Many writers have “writing rituals.” Some listen to music, others find it easier to write when it’s raining, and some even paint their nails before writing. How about you, what sets your mood in writing?

  • Watching erotic videos and sexting.

`Ayun ang dalawang bagay na nagugustuhan ko. Masarap magsulat ng erotica, kapag natu-turn on ka.

Who is your favorite writer? Why?

  • Arielle. Siya ang unang writer na dahilan din kung bakit ko naisipan na pupuwede talaga `yong love scenes sa pocketbook. Parang naging daan `yon para madiskubre ko `yong gusto kong maging genre.

 

Have you tried writing a series? If not, any plans of trying it in the future?

  • No, hindi ko pa na-try. Pero nasa plano ko this year na magsulat ng isang series tungkol sa mga babaeng isinumpa na maging sirena. At siyempre pa, gusto ko rin gawan ng series ang Fontanilla Brothers. Mga pulis sila na may kanya-kanyang misyon.

 

How do you handle writer’s block?

  • Nagbabasa at nanonood ng mga may kinalaman sa novels ko.

 

What is your most unforgettable fan encounter?

  • Noong MIBF, may mga na-meet ako na hindi talaga ako kilala sa Wattpad at `yon siguro ang `di ko malilimutan. `Yong makilala ako bilang Red Room author at hindi Wattpad writer.

 

How do you deal with the bashers?

  • I kill them with kindness. Haha! Kidding! Noon, tinatapatan ko sila ng gusto nilang marinig. Ngayon, pinalalagpas ko na lang. Na-realize ko, kahit ano pa ang kabutihan na ipakita mo sa mga tao, kung puno ng negativity `yong utak nila, walang saysay ang mga `yon. Ignore na lang. Naisip ko rin, baka tigang lang sila sa sex life nila at ako lang napagbubuntunan. Sad `yon. Haha!

 

What can readers expect from you in the near future?

  • Alam ko na hindi pa ako ganoon kagaling sa genre na ito. But I will work harder to be better, and better, and sexier! #TeamRedRoom

 

Advertisements

7 thoughts on “All About Race Darwin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s